Pagdating ng amerikano

22-Aug-2020 19:52 by 5 Comments

Pagdating ng amerikano - Free guy vampire chat lines

Naiisip ba ni Ninoy nang nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas na maaring mangyari rin sa kanya ang sinapit ni Ka Andres kaya’t ang pinili niyang pangalang ginamit sa kanyang passport ay Marcial Bonifacio; Marcial sa Martial Law at Bonifacio kay Ka Andres?At kung hindi man siya papaslangin sa pagdating niya sa Pilipinas, pababayaan siyang buhay pero ibabalik naman siya sa dating piitan ng Fort Bonifacio? Ang pagiging pangulo raw ni Marcos ay “iginuhit ng tadhana.” Iginuhit rin ba ng tadhana na ang naging papel rin niya sa kasaysayan ay katulad ni Miong Aguinaldo, ang berdugo sa taong tunay na nagmamahal sa bayan at nakikipaglaban para sa kalayaan tulad ni Ka Andres Bonifacio?

Ang unang pagdiriwang ng Araw ni Rizal ay ginanap nuong Disyembre 30,1898, sa deklarasyon ni Aguinaldo sa ngalan ng Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan.

Ang talinghaga at kabalintunaan (paradox) sa kasaysayan ng kapilipinuhan nuong mga naunang dekada ng mga Amerikano sa bansa, sa isang banda ginamit ng mga Kano si Rizal para sa interest at kapakanan ng kanilang imperyo at pananakop sa bansa, pero sa maraming Pilipino si Rizal ay nagsisilbing sulo at patnubay ng kanilang diwang makabayan at ang patuloy nilang pagkilos laban sa bagong mananakop.

Maging ang mga Pilipino nakipagsapalaran magtrabaho sa Amerika ay dala-dala ang diwa ng kamatayan ni Rizal.

Sa paggunita sa kamatayan, ayon sa mga naka-witness, ay ipinagdiriwang na araw ng pagdadalamhati, nag-iiyakan ang mga tao sa harap ng larawan ni Rizal.

Nilalagay ng mga tao ang larawan ni Rizal sa kanilang altar.

Nagkakataon lang ba na sa buwan ng Agosto, panahon ng tag-ulan at bagyo, dumarating din ang malalaking unos na yumayanig sa kinalalagyan ng kapangyarihan sa kasaysayan.

Magaling na halimbawa ang Himagsikang 1896 o Unang Sigaw ng Pugad-Lawin (Agosto 23,1896 ), “Labing-tatlo ng Agosto ng saklupin ang Maynila (ng mga Amerikano) (Agosto 13, 1898),” August 21 Movement dulot ng pagkapaslang kay dating Senador Ninoy Aquino (Agosto 21,1983), at ang makasaysayang pakikidalamhati, pakikilibing, at marubdob na paghahatid sa hantungan ni Tita Cory (Agosto 2, 2009).Nagkataon lang ba na si Andres Bonifacio at si Ninoy Aquino, parehong kinikilalang mga martir at bayani ng taumbayan ay napaslang sa kamay ng kapwa Pilipino na may katungkulang “Pangulo;” si ka Andres kay Heneral Emilio Aguinaldo at si Ninoy naman kay Pangulong Ferdinand Marcos?Si Ka Andres at Ninoy ay dinakip, kinulong, nilitis ng korteng lutong makaw, kahit walang sapat na ebidensiya, hinatulan pa rin ng parusang kamatayan.Kinikilala at tinatanggap ni Ka Andres na tanging si Dr. Rizal ang makakapagbuklod sa mamamayan at anak-bayan ng Inang Bayan.Sinikap niyang itong himukin para maitakas at mailigtas sa kamay ng kaaway sa Dapitan hangga sa kanyang piitan sa Fort Santiago.Sa kasalukuyan nagiging kapansin-pansin at hindi maikakaila ang kakulangan, namamayaning katiwalian at kabuktutan, at maraming katanungan hinggil sa pagiging bansa at bayan ng ating lupang tinubuan.